dzme1530.ph

PBBM, nanawagan sa mga Pilipino na gawing inspirasyon ang Immaculate Conception sa pagharap sa mga pagsubok ng bansa!

Nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga Pilipino na kumuha ng inspirasyon sa Immaculate Conception of Mary, sa pagkalap ng lakas sa pagharap sa mga pagsubok ng bansa.

Sa kanyang mensahe para sa pista ng Imakulada Konsepsyon ngayong Dec. 8, umaasa ang Pangulo na ang okasyon ay magpapalakas sa kristiyanong pananampalataya, at magbibigay-daan sa iba na mamahagi ng biyaya sa mahihirap at sa marginalized people.

Humiling din ng gabay si Marcos sa Panginoon at kay Birheng Maria para sa patuloy na pagsusulong sa isang bagong Pilipinas.

Deklaradong isang Non-working holiday ang Feast of the Immaculate Conception ngayong araw ng Biyernes. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author