Nakikiisa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Filipino Muslims at sa buong mundo, sa pagsisimula ng Ramadan.
Sa kanyang mensahe, inihayag ng Pangulo na ang panahon ng pag-aayuno at pagdarasal ay magandang oportunidad para sa pagpapahalaga sa disiplina, pag-respeto, at pagpapakumbaba.
Ito rin ang nagsisilbing tawag sa mga kapatid na Muslim upang linisin ang kanilang kaluluwa laban sa mga makamundong bagay.
Bukod dito, ang mga ritwal sa Ramadan ang nagpapa-alala sa moral na obligasyon ng lahat, anuman ang kanilang paniniwala.
Kaugnay dito, nanawagan ang Pangulo na isama sa araw-araw na dasal ang mga nagdurusa dahil sa gutom, kalamidad, at iba pang problema.
Sinabi ng Pangulo na sa harap ng pagkakaiba-iba ay dapat pa ring manaig ang pagmamahal para sa lahat.