Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Valenzuela City Representative Rex Gatchalian bilang bagong kalihim ng Department Of Social Welfare and Development (DSWD).
Ibinahagi ng Presidential Communications Office ang kuha ng panunumpa sa tungkulin ni Gatchalian sa Malacanang sa pangunguna ng Pangulo.
Saksi sa panunumpa sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Department of the Interior and Local Government Benhur Abalos, at Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr.
Pinalitan ni Gatchalian si dating DSWD Secretary Erwin Tulfo matapos dalawang beses na ma-bypass ng Commission on Appointments dahil sa isyu ng Citizenship at Libel Conviction.
Nagpasalamat naman ang bagong kalihim sa Pangulo dahil sa oportunidad na mapagsilbihan ang bayan sa mas malawak na kapasidad.