dzme1530.ph

PBBM at US Ambassador Marykay Carlson, nagpulong sa Malacañang!

Nagpulong sa Malacañang sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson.

Sa mga litratong ibinahagi ng Presidential Communications Office, makikita ang pag-bisita ng US envoy sa Palasyo kahapon, Pebrero 13.

Bukod sa dalawa, dumalo rin sa pulong sina Executive Sec. Lucas Bersamin, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr., at Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo.

Sa ngayon ay hindi pa ibinahagi ang naging paksa ng pagpupulong nina Marcos at Carlson.

About The Author