Lumobo ng 12.7% ang bilang ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa katatapos lamang na Semana Santa.
Sa tala ng New Naia Infra Corp., kabuuang 1.17 million passengers ang gumamit ng main gateway ng bansa simula April 13 hanggang 20, na isa sa pinaka-abalang Holy Week travel periods sa mga nakalipas na taon.
Sa naturang bilang, 156,635 na mga biyahero ang naitala sa loob lamang ng isang araw o noong Easter Sunday.
Umakyat ang international passenger traffic ng 11.21% habang ang domestic traffic ay nadagdagan ng 14.19%.