dzme1530.ph

Pasaherong Senior Citizen na may kasong Estafa, hinarang sa NAIA Terminal 3

Hinarang ng mga tauhan ng PNP Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) ang isang 64-anyos na papaalis na babaeng pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) patungong Doha, Qatar.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang papaalis na babaeng pasahero ay may nakabinbing warrant of arrest para sa kasong Estafa na inisyu ni Presiding Judge Eduardo S. Sayson ng Bacolod RTC Branch 54 noong Setyembre 29, 2014.

Ang senior citizen na pasahero ay inilagay sa kustodiya ng Villamor Sub-Station 9, Pasay City Police Station para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.

Pinuri naman ni PNP-AVSEGROUP Director PBGEN Christopher N Abrahano ang matagumpay na pagharang at pag-aresto sa papaalis na pasahero.

Samantala P32,000 ang nirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan ng nasabing akusado.

About The Author