Dumating na sa bansang Switzerland si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa dadaluhan nitong World Economic Forum (WEF).
Alas kwatro y medya ng hapon, habang alas onse y medya naman dito sa sa Pilipinas. Agad tumungo sa Alpine Town ang Pangulo para sa Meeting ng Global Business kasama ang mga Political Leaders.
Kasama ng Pangulo si First Lady Liza Araneta-Marcos at ang kanyang Economic Team. Ayon sa Pangulo, pangunahin sa kanyang lakad ay mang-hikayat ng mga investor.
Dagdag pa ng Pangulo, ang kanyang administrasyon ay magsisikap para sa Infrastructure na magpapalakas sa ating food security.
Ayon naman kay Foreign Affairs Undersecretary Carlos Soreta, ipapakilala rin ni PBBM ang Maharlika Investment Fund (MIF) na sinusulong ng kongreso.