dzme1530.ph

Palasyo, wala pang natatanggap na red notice mula sa Interpol laban kay dating Pangulong Duterte

Loading

Wala pang natatanggap na anumang impormasyon ang Malakanyang kaugnay ng umano’y Interpol Red Notice laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa press briefing, kanina, sinabi ni Palace Press Officer Usec., Atty. Claire Castro, na walang anumang komunikasyon na dumating sa Palasyo na may kinalaman sa red notice.

Una nang tumanggi ang Office of the Prosecutor ng International Criminal Court na magkomento sa umano’y warrant of arrest laban sa dating presidente dahil sa kinakaharap nitong crime against humanity bunsod ng madugong war on drugs.

Nanindigan naman si Duterte na ang kanyang ginawa sa panahon ng kanyang panunungkulan ay upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan ng bansa.

About The Author