dzme1530.ph

Pagpapakalat ng muling pagpapatupad ng NCAP fake news —MMDA

Kinumpima ng Metropolitan Manilla Deployment Authority (MMDA) na nananatiling suspendido ang operasyon ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) mula pa noong 2022 bunsod na rin ng pagpapalabas ng Temporary Restraining Order ng Korte Suprema.

Ayon sa MMDA, taliwas ito sa post at mensaheng kumakalat sa social media ukol sa muling pagpapatupad ng NCAP.

Paliwanag ng MMDA peke at hindi nanggagaling sa ahensiya ang mensaheng kumakalat.

Kaugnay nito pinapayuhan ng MMDA ang publiko na huwag basta maniwala sa mga natatanggap na mensahe o post sa social media at Mabuting alamin muna ang pinanggalingan ng impormasyon o iberipika mula sa mga lehitimong sources.

Maaring tumawag sa MMDA Hotline 136 o magpadala ng mensahe sa MMDA official accounts.

About The Author