dzme1530.ph

Paglilitis sa ekstradisyon ni Arnie Teves Jr. sa Timor Leste, natapos na

Natapos na ang paglilitis sa ekstradisyon ni dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr., sa Court of Appeals ng Timor Leste.

Ayon sa Dept. of Justice, inaasahan na ang paglabas ng desisyon sa katapusan ng Hunyo.

Inaasahan naman ng DOJ na isang paborableng desisyon ang igagawad ng Court of Appeals sa kaso ni Teves.

Samantala, sinabi naman ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Teves, na ginawa nila ang kanilang makakaya at umaasa itong walang halong diplomatic pressure ang magiging desisyon.

About The Author