dzme1530.ph

Paggastos ng national budget, 14% na mas mabilis ngayong taon kumpara noong 2023

Mas mabilis ng 14% ang spending o paggastos ng gobyerno sa national budget ngayong taon, kumpara noong 2023.

Ayon kay Dep’t of Budget and Management Principal Economist Joselito Basilio, ang mga nailabas na pondo sa 1st semester ng taon ay mas mataas ng ₱ 24.6 billion mula sa itinakda ng Development Budget Coordination Committee.

Tinukoy na isang pangunahing rason nito ang Road Network Infrastructure Program ng Dep’t of Public Works and Highways na naging mas mabilis ang pagpapatupad at maagang isinagawa ang mga bidding at procurement activities bago pa man magsimula ang taon.

Malaki rin ang spending ng Dep’t of National Defense sa kanilang modernization program, at naging mas mabilis na rin ang paglalabas ng benepisyo sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Dep’t of Social Welfare and Development dahil naisaayos na ang sistema at nalinis ang listahan ng mga benepisyaryo.

Sinimulan na rin ng Commission on Elections ang spending activities bilang paghahanda sa local at national elections sa susunod na taon.

Mababatid na noong 2023 ay pinuna ng DBM ang ilang ahensya dahil sa underspending o mabagal na paggastos ng pondo, kabilang ang DICT, DMW, at DOT.

About The Author