dzme1530.ph

Pagdevelop sa New Bilibid Prison, mga Historical landmarks hindi gagalawin

Tiniyak ng Bureau of Correction (BuCor) na hindi maapektuhan ang mga historical landmarks ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City sa gagawing development at modernization sa loob ng bilangguan.

Ito ang naging pahayag ni BuCor Chief Director General Gregorio Pio Catapang Jr. matapos lagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan nina Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon at General Catapang para sa preservation ng mga cultural at historical landmark ng New Bilibid Prison.

Ayon kay Mayor Ruffy Biason makikipagtulungan sila sa Department of Tourism (DOT) para lalong mapangalagaan ang mga bahagi ng bilangguan na naging saksi sa kasaysayan.

Makikinabang din aniya dito ang mga mamamayan ng Muntinlupa City upang malaman nila ang naging kasaysayan ng NBP.

Nagpapasalamat naman ang alkalde kay general Catapang sa pagbibigay nito sa kanyang kahilingan na proteksyonan at pangalagaan ang mga historical landmark ng New bilibid prison.

About The Author