Inihayag ng Dept. of Public Works and Highways na inaasahang walang sisingiling Toll Fee sa itatayong Bataan-Cavite Interlink Bridge, sa oras na magbukas ito sa publiko.
Sa interview sa Bataan-Cavite Interlink Bridge Milestone (BBM) Ceremony sa Mariveles Bataan, inihayag ni DPWH sec. Manuel Bonoan na ang proyekto ay isang direct investment ng gobyerno.
Hindi umano ito isang Private Concession Agreement na nangangailangan ng toll fee sa mga motorista para mabawi ang investment o puhunan.
Sa kabila nito, ibinahagi ng kalihim na posible pa ring ipaubaya sa isang private party ang maintenance ng tulay.
Mababatid na ang Bataan-Cavite Interlink Bridge ay popondohan ng P175-B mula sa loan sa Asian Development Bank at Asian Infrastructure Investment Bank
Target itong tapusin sa loob ng limang taon, at sa oras na magbukas ay mapa-iikli nito ang biyahe mula Cavite hanggang Bataan sa 30 hanggang 45 minuto mula sa kasalukuyang limang oras.