Welcome sa Kamara ang pahayag ni PCO Usec. Claire Castro na napapanahon ng magkaroon ng regulatory body para sa social media.
Ayon kina Bataan Rep. Geraldine Roman at La Union Rep. Paolo Ortega V, nagtutugma ng direksyon ang binuong Tri Comm at PCO sa hangaring pigilan at mapanagot ang mga nagpapakalat ng fake news.
Timing umano ang pagkakatalaga kay Castro sa PCO dahil maalam ito at prangka.
Naghayag din ng suporta kay Castro si Ortega.
Aniya, akma si Castro sa trabaho dahil kadalasan ang executive branch ang biktima ng fake news at disinformation.