dzme1530.ph

Pag-aresto kay FPRRD, walang anumang epekto sa paghahanda para sa impeachment trial laban kay VP Duterte

Loading

Tiniyak ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na walang epekto sa paghahanda nila para sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ang mga isyung kinakaharap ng bansa kaugnay sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Escudero na magkahiwalay ang dalawang usapin at walang kaugnayan sa isa’t isa.

Kinumpirma ng senate leader na sa ngayon ay wala pang nagbabago sa inirerekomenda niyang impeachment calendar na aaprubahan sa pagbabalik nila ng sesyon sa June 2.

Samantala, kung sakali man aniyang maging abala ang bise presidente sa pagsisilbi bilang abogado ng kanyang ama sa panahon ng impeachment trial ay papayagan naman aniya nila itong hindi dumalo sa hearings.

Sa kasalukuyan aniya ay may ugnayan na ang Senado sa Kamara o sa prosecution team gayundin sa kampo ni VP Sara para sa isasagawang inspeksyon sa magiging silid nila sa Senado kapag nagsimula na ang proceedings.

About The Author