Dumating na ang araw na hinihintay ng mga pamilya ng libo-libong Pilipino na napatay sa madugong ‘tokhang’ ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang binigyang-diin ni Sen. Risa Hontiveros kasunod ng pag-aresto sa dating Pangulo batay umano sa warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court.
Umaasa naman si Hontiveros na tutuparin ni Dating Pangulong Duterte, ang kanyang pahayag na haharapin niya ang kaso sa International Criminal Court.
Tiwala rin ang senador na susunod ang dating lider ng bansa sa mga proseso bilang isa siyang abogado.
Tiwala rin ang mambabatas na titiyakin ng Malakanyang na maigagawad ang hustisya sa lahat ng biktima ng tokhang.
Umaasa rin ang senadora na simula pa lamang ito ng paghahabol ng hustisya sa lahat ng mga opisyal at kawani ng gobyerno na responsable sa pagpatay sa inosente o walang kalaban-laban.