Itinanggi ni Sen. Robinhood Padilla ang usap-usapang may hidwaang nangyayari sa pagitan ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Ito’y kaugnay sa hindi natuloy na pagdinig ng Senado kaugnay sa tinutulak nitong pag-amyenda sa 1987 constitution nuong Lunes.
Giit ni Padilla, normal lang magkaroon ng ibat-ibang opinion sa naturang usapin, hindi aniya kinansela ang pagdinig kundi ipinagpaliban lang.
Nilinaw naman ni Padilla na hindi hinaharangan ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang anomang pagdinig sa mataas na kapulungan.