Binigyan diin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nawawalan ang bansa ng 5 million araw-araw dahil sa ipinatutupad na fishing ban.
Bunsod ito, sa patuloy na pagkalat ng oil spill kaya apektado ang maraming lugar at karagatan na lubhang naging pasakit sa mga mangingisda.
Ayon kay BFAR Chief Information Officer Nazario Brigera, nasa 19,000 na mangingisda sa 9 na mga munisipyo sa Oriental Mindoro, ang apektado ng oil spill mula sa lumabog na mt Princess Empress.
Dahil sa fishing toxification kaya ipinabawal na muna ang pangingisda sa mga karatig na probinsyang naapektuhan ng oil spill.