dzme1530.ph

P1.55-B na halaga ng loans, ipinagkaloob ng LandBank sa sugarcane sector simula Enero hanggang Abril

Mahigit P1-B halaga ng loans ang ipinagkaloob ng LandBank of the Philippines sa sugarcane sector sa unang apat na buwan ng taon bilang suporta sa industriya.

Sinabi ng LandBank na as of April 30, 2023, nakapag-release na sila ng P1.55-B na outstanding loans sa sugarcane industry.

Sa total loan disbursements, P700.45-M ay sa ilalim ng Socialized Credit Program-Sugarcane Industry Development Act (SCP-SIDA), na pinakinabangan ng kabuuang 4,366 individuals.

Ang SCP-SIDA ay mayroong mababang interest rate na 2% lamang per annum. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author