Nanawagan si Senator Sherwin Gatchalian na ipatigil ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.
Sa chairman’s report ng Senate Committee on Ways and Means, inirekomenda nito ang mabilisang pag-adopt ng resolusyon na kumukumbinsi sa ehekutibo na i-ban ang POGO operations sa bansa.
Ayon kay Gatchalian, walang natatanggap na benepisyo ang Pilipinas sa POGO sa halip ay puro perwisyo.
Hinimok din ni Gatchalian ang kongreso na magpasa ng panukalang batas para paghiwalayin ang operation at regulation functions ng Philippine Amusement and Gaming Corp. o (PAGCOR) bunsod ng mga pagkukulang sa pagre-regulate ng POGOs.
Pinakikilos din ang Bureau of Internal Revenue (BIR) upang masingil ang mga natitirang tax liabilities ng third party auditor ng PAGCOR at Pogo licenses.