dzme1530.ph

Operasyon ng Basco Airport at Palanan Airport suspendido, dahil sa bagyong Carina

Inanunsyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na kanselado ang lahat ng biyahe mula at patungong Basco Airport at Palanan Airport ngayong araw.

Sa abiso ng CAAP ang pagsuspinde sa flight operasyon ng dalawang Paliparan ay dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong Carina.

Pinapayuhan ng CAAP ang mga pasaherong apektado ng mga kanseladong flight na kumpirmahin muna ang mga bagong flight schedule ng kanilang airlines bago magtungo ng Paliparan.

Maglalabas ng panibagong abiso ang CAAP Operation Center para sa flight operation ng dalawang Paliparan para sa pagbabalik-operasyon sakaling bumuti na ang panahon.

About The Author