Palpak ang trabaho ng Philippine Coast Guard kontra Oil spill sa Mindoro at mga karatig lugar ayon ay dating Presidential Spokesperson Harry Roque.
Aniya isang malaking kapalpakan sa panig ng PCG ang hindi agad nito pagkilos upang sawatain ang pagkalat ng mga tumapong langis sa karagatan mula sa lumubog na MT Princess Empress noong Pebrero 28.
Sabi pa ni Roque, tila naghintay muna ang PCG na makatanggap ng ulat buhat sa lokal na barangay at sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Taytay, Palawan bago ito kumilos.
Dahil sa mga ito, naging palaisipan umano kay Roque ang mga pangyayari at kung saan napunta ang pondo ng PCG para sa pagsugpo ng mga sakuna tulad ng “Oil spill”.
Hinahanap din ni Roque ang mga assets at tauhan ng philippine coast guard auxiliaries na siyang katuwang dapat ng pcg sa mga opisyal na gawain nito.
Lubhang kaawa-awa aniya ang mga ordinaryong mamamayan na nasa coastal areas ng bayan ng Agutaya, Cuyo at Magsaysay sa Palawan, na lubhang naapektuhan ang kabuhayan na umaasa lamang sa mga isda at yamang dagat.