dzme1530.ph

Oil at Gas Exploration Talk ng Pilipinas, China, magpapatuloy sa susunod na buwan

Magpapatuloy sa susunod na buwan ang pagtalakay ng Pilipinas at China kaugnay sa posibleng Joint Oil and Gas Exploration sa West Philippine Sea.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, nakatakdang magkita para sa preparatory talks ang kinatawan ng dalawang bansa sa Beijing sa buwan Ng mayo upang pag-usapan ang parameters at terms of reference hinggil sa Maritime exploration.

Una nang sinabi ni DFA Secretary Enrique Manalo na nag-propose ang China na makipagpulong sa Pilipinas kaugnay sa usapin at agad na tumugon ang pamahalaan dito.

Pero, kinuwestyon ito ng ilang mambabatas kasama si Sen. Francis Tolentino, na nanawagan sa ahensya na maging maingat dahil ang isang kasunduan aniya ay maaaring humantong sa pagtaas ng presensya ng mga Chinese sa teritoryo ng bansa.

Samantala, tiniyak ni Manalo na magbibigay sila ng update kaugnay sa gaganaping Oil at Gas Exploration Talks.

About The Author