dzme1530.ph

Oath taking ni incoming DepEd sec. Angara, hindi pa maitakda hangga’t hindi pa epektibo ang resignation ni VP Sara

Wala pang schedule ang oath taking ni Sen. Sonny Angara bilang bagong kalihim ng Dep’t of Education.

Ito ay hangga’t sa hindi pa nagiging epektibo ang resignation ni Vice President Sara Duterte sa DepEd.

Ayon kay Presidential Communications Office sec. Cheloy Garafil, mananatiling DepEd sec. si Duterte hanggang July 18.

Mababatid na isinumite ni VP Sara ang kanyang resignation noong June 19, at nagbigay ito ng 1-month notice kaya’t magiging epektibo ang kanyang pagbibitiw sa pwesto sa July 19.

Kahapon naman ay hindi muna nakilahok si Angara sa ika-17 cabinet meeting sa Malacañang na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

About The Author