Naniniwala si National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Bernardo Rafaelito Alejandro IV na tila tapos na ang unos dahil sa patuloy na paglayo ng bagyong Betty sa Philippine Area of Responsibility.
Sinabi ni Alejandro na wala namang naiulat na malaking pinsala na dulot ng bagyo at very minimal lamang kumpara sa kanilang inaasahan.
Batay sa tala ng NDRRMC, nasa 5,488 individuals ang maagang lumikas dahil sa banta ng sama ng panahon.
Una nang iniulat ng ahensya na 11,264 individuals o 2,859 families ang naapektuhan ng bagyong Betty. —sa panulat ni Lea Soriano