Lumobo na sa labing-pito ang patay dahil sa matinding pag-ulan at pagbaha na dulot ng shear line. Batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon sa NDRRMC, siyam na nasawi ay mula sa Northern Mindanao, sa Bicol Region, lima; sa Eastern Visayas, dalawa; at isa sa Zamboanga Peninsula.
Nananatili naman sa dalawampu’t pito ang nawawala habang walo ang naiulat na nasugatan.
Sa tala ng ahensya, 10,873 pamilya o 46,479 individual ang inilikas bunsod ng epekto ng masamang panahon.
Tinayang nasa 62.6 milyong piso ang halaga ng pinsala sa agrikultura habang 20.5 milyong piso sa imprastraktura.