Kuntento ang pamunuan ng Quiapo Church sa naging pagdiriwang ng Kapistahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno ngayong taon sa gitna ng banta ng COVID-19 Pandemic.
Ayon kay Quiapo Church Attached Priest Rev Fr. Earl Allyson Valdez, maituturing na good decision ang pagsasagawa ng magkakahiwalay na aktibidad para sa kapistahan.
Aminado naman si Fr. Valdez na mas nakakapagod para sa mga deboto ang pagdiriwang ngayong taon dahil lumitaw na nagsagawa sila ng selebrasyon ng dalawang araw.
Subalit dahil mas naging makahulugan aniya at mas maayos sa mga deboto ang mga aktibidad, mas mararamdaman ang diwa ng kapistahan.
Bagama’t hindi matitiyak ni Fr. Valdez na ito na ang magiging format ng pagdiriwang sa mga susunod na taon, tiyak naman nilang matatandaan nila ang mga natutunan ngayong taon.