Ikino-konsiderang ibenta ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang mga nakumpiskang smuggled na asukal sa pagpasok ng Abril.
Ayon kay SRA Board Member Pablo Luis Azcona, napag-usapan na nila ang patungkol sa documentation at legalidad ng mga nakumpiskang kontrabandong asukal.
Sa sandaling maayos aniya ang mga papeles, maaari nang maibenta ang mga ito sa Kadiwa Stores sa bansa.
Siniguro naman ni Azcona na daraan sa sanitation process ang mga nasamsam na puslit na asukal para matiyak na ligtas ito sa publiko.