Winasak ng Bureau of Customs Zamboanga ang libo-libong kahon at ream ng mga smuggled na sigarilyo sa isang warehouse sa Brgy Tetuan, Zamboanga City.
Ayon sa Bureau of Customs – nagkakahalga ang mga naturang sigarilyo ng mahigit P300-M kung saan ito ay nag mula pa sa ibat ibang maritime operations at custom check points sa Zamboanga Peninsula, Basilan at Tawi-tawi.
Pinangunahin ni Engr. Arthur Sevilla jr. Acting District Collector ng Port of Zamboanga ang pagsira sa mga smuggled na sigarilyo kung saan sinaksihan din ito ng ibat ibang ahensya na katuwang ng Customs sa laban kontra smuggling.
Ayon kay Sevilla ang pagkakahuli at pagsira sa mga nasabing kontrabando ay bilang pag talima sa mga utos ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio hinggil sa walang patid na paglaban sa illegal tobaco trade sa bansa at mas matibay na pakikipagugnayan sa mga law enforcers ng bansa para sa mas matinding laban kontra ilegal na droga. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News