dzme1530.ph

Nagsabing pumasok si dating Pangulong Duterte sa ‘gentleman’s agreement’ sa China, tinawag na sinungaling ni Atty. Sal Panelo

Iginiit ni dating Chief Presidential Legal Counsel, Atty. Salvador Panelo na walang pinasok na anumang kasunduan si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa China na huwag i-maintain ang BRP Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal.

Sa isang programa, sinabi ni Panelo na sinuman ang nagkakalat na pumasok si dating Pangulong Duterte sa “gentleman’s agreement” sa China ay nagsisinungaling at baka gusto lamang ng publicity para sa kaniyang sarili.

Ginawa ng dating opisyal ang pahayag, ilang araw matapos ibunyag ni dating Presidential Spokesman, Atty. Harry Roque na pumasok si Duterte sa “gentleman’s agreement” sa China at pumayag na ang maaari lamang dalhin ng pilipinas sa BRP Sierra Madre ay pagkain at tubig, at hindi puwede ang mga materyales sa pagkukumpuni ng barko.

Idinagdag ni Panelo na dalawang beses niya nakausap noong Holy Week si Duterte at sinabi nito sa kanya na wala itong pinasok na anumang kasunduan sa China at iniiwasan din nito na pag-usapan ang Ayungin Shoal dahil napakainit nitong paksa.

About The Author