dzme1530.ph

MMDA team na humuli kay ex-Gov. Singson may pabuya

Nag-alok si dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson ng ₱100,000 pabuya sa MMDA traffic enforcers na sumita sa kanyang convoy na dumaan sa EDSA busway.

Kasabay nito ay ang paghingi ng paumanhin ng dating gobernador sa MMDA bunsod ng iligal na paggamit ng kanyang convoy sa EDSA carousel bus lane.

Sinabi ni Singson na ipinahanap niya kay MMDA Chairman Romando Artes ang team na sumita para bigyan ng reward upang ganahan pa ang mga ito na manghuli ng mga lumalabag sa batas trapiko.

Aminado ang dating gobernador na mali ang kaniyang convoy nang mag-overtake sa bus lane, at wala aniya dapat na mas mataas pa sa batas.

Patungo si singson sa isang television network kahapon para sa interview nang mangyari ang insidente.

About The Author