dzme1530.ph

MMDA, nagsagawa ng clearing operations laban sa mga iligal na nakaparadang sasakyan sa Quezon City at Maynila

Walong sasakyan ang hinatak habang 22 ang tiniketan sa Clearing Operations ng MMDA laban sa mga iligal na nakaparadang sasakyan sa Quezon City.

Binigyang diin ni MMDA Special Operations Strike Force officer-in-charge Gabriel Go, na alinsunod sa batas, mayroon silang karapatan na isyuhan ng tiket at hatakin ang mga sasakyang unattended, na iligal na nakaparada sa kalsada.

Ayon naman sa Kapitan ng Barangay Veterans Village, gumagawa na raw sila ng ordinansa para sa One-Way Traffic, One Side Parking.

Samantala, tiniketan din ng MMDA ang mga tsuper ng truck na iligal na nakaparada sa kahabaan ng Mel Lopez Boulevard sa Maynila habang sinita rin ang mga pedicab na dumadaan sa National Highways.

About The Author