Ang wrinkles o kulubot na balat ay bahagi ng natural na proseso ng pagtanda.
Ito ay bunga ng pagnipis ng balat na kadalasang mapapansin sa mukha, leeg, at kamay.
Ilan rin sa mga dahilan kaya nagkakaroon ng wrinkles ay polusyon sa paligid, sobrang pagbibilad sa araw, labis na stress, pagbawas ng timbang, at kakulangan sa vitamin E.
Para mabawasan ang pagkakaroon ng wrinkles, narito ang ilang paraan;
Gumamit ng olive oil bilang pangmasahe dahil ito ay mayaman sa antioxidants tulad ng vitamin A at E na makatutulong para ma-moisturize ang balat at proteksyon laban sa free radicals.
Taglay naman ng saging ang iba’t ibang bitamina at mineral na makabubuti sa wrinkles. Durugin lamang ang isang hinog na saging hanggang sa maging pino ang texture nito at ipahid sa bahagi na may kulubot na balat.
Maaari ring gumamit ng lemon juice para ipahid sa kulubot na balat at ibabad nang limang minuto bago banlawan.
Huwag ring kalimutan na uminom ng walo hanggang labing-dalawang baso ng tubig upang mapanatiling hydrated ang katawan.