dzme1530.ph

Mga problema sa sektor ng agrikultura, isinisi ng DA chief sa mga nakalipas na administrasyon

Loading

Isinisi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.  sa mga nakalipas sa administrasyon ang mga kasalukuyang problema sa sektor ng agrikultura.

Sinabi ni Tiu Laurel na ang malaking pagkakamali ng mga nakaraang administrasyon ay ang kabiguan na mag-invest sa irrigation at post-harvest para sa bigas at mais sa nakalipas na 40 taon.

Idinagdag ng Kalihim na sa panahon lamang ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nagsimulang mag-invest ang gobyerno sa farm sector.

Kasabay nito ay binigyang diin ni Tiu Laurel na walang rice cartel, sa gitna ng mataas na retail price sa bigas.

About The Author