May mga pagkain na dapat iwasan kapag walang laman ang tiyan o kaya ay nagugutom upang maiwasan ang pagsakit nito.
Kabilang dito ang pagkonsumo ng maaanghang na pagkain at sofdrinks o carbonated drinks dahil nakakapagpahapdi ito ng tiyan.
Maaari ring mabigla at sumakit ang tiyan kapag uminom ng sobrang lamig na tubig o cold water.
Dapat ring iwasan ang pagkain ng citrus fruits o maasim na prutas tulad ng pinya, kalamansi, dalandan, orange at iba pa dahil ito ay mataas sa citric acid na maaaring makapagpahapdi ng tiyan.
At huwag ding uminom ng alak ng walang laman ang tiyan dahil mas mabilis ang epekto nito na malasing ang isang tao.
Payo ng mga eksperto, ang mga nabanggit na halimbawa ay dapat iwasan upang mapanatiling malakas ang kalusugan.