DZME1530

Trailer ng pelikulang “Apag” nina Direk Brillante Mendoza at Coco Martin, ipinasilip na

Inilabas na ang trailer ng family drama film na “Apag,” na reunion ng indie collaborators na sina Direk Brillante Mendoza at Coco Martin.

Sa pamamagitan ng 92-minute trailer ay pinasilip ang kuwento ng dalawang pamilya na nagsanga-sanga ang pangyayari sa buhay matapos ang isang aksidente.

Sa panulat ni Arianna Martinez, ang “Apag” ay unang major collaboration nina Coco at Direk Brillante sa loob ng mahigit isang dekada, pagkatapos ng kanilang matagumpay na independent films na nagpasikat sa aktor.

Kasama sa pelikula sina Gladys Reyes, Jaclyn Jose, Mercedes Cabral, Lito Lapid, Julio Diaz, Ronwaldo Martin, Shaina Magdayao, Joseph Marco, Vince Rillon at Gina Pareño.

Ang “Apag” ay isa sa walong official entries sa Metro Manila Film Festival na ipalalabas sa mga sinehan sa April 8 hanggang 18.

About The Author