dzme1530.ph

Filipino-Japanese Karateka Juna Tsukkii, naghahanda na para sa 2023 Southeast Asian Games

Gagamitin ni Filipino-Japanese Karateka Juna Tsukkii ang kaniyang naging tagumpay sa katatapos na 10th Southeast Asia Karate Federation Championships na panimula sa paparating na 2023 Southeast Asian Games sa Cambodia.

Ayon sa 31-anyos na si Tsukii, mahalaga ang pakikipaglaban sa iba’t-ibang kumpetisyon para makakuha ng rankings.

Nagtungo pa Tsukii sa Serbia kasama ang kaniyang ka-team mates para doon magsanay kung saan kasama na rin ito sa paghahanda sa nalalapit na Sea Games.

Target nito na mabawi ang gintong medalya matapos mabigo siyang makuha noong 2021 Sea Games na ginanap sa Vietnam.

About The Author