dzme1530.ph

Mga kaanak ng mambabatas, i-ban sa pagkandidato bilang Con-Con delegates

Hindi dapat payagang kumandidato bilang delegado sa Constitutional Convention o Con-Con ang mga kamag-anak ng mga mambabatas.

Ito, ayon kay Senate Minority Leader Koko Pimentel ay sa sandaling manaig ang isinusulong na Cha-Cha via Con-Con ng mga kongresista.

Sinabi ni Pimentel, na hindi maganda kung mga kamag-anak ng mga mambabas ang maging Con-Con delegates at sila ang magpapanukala ng kinakailangang amendments sa Saligang Batas.

Dapat aniya ay pawang elected at hindi appointed ang Con-Con delegates at walang anumang koneksyon sa mga kasalukuyang mambabatas.

Iginiit pa ni Pimentel na kailangang gawing simple ang patakaran sa pagsasagawa ng Con-Con.

Sa kabila nito, nanindigan si Pimentel  na Constituent Assembly (Con-Ass) ang pinaka-praktikal na paraan sa pag-amyenda sa  Saligang Batas.

About The Author