Ang sakit sa likod at balakang ay nararamdaman ng halos lahat ng tao.
Ang kadalasang dahilan ng pananakit ng likod ay ang muscle o sprain o pananakit ng kalamnan bunsod ng maling posisyon sa pag-tulog, maling pag-upo, maling pagbubuhat, at pag-edad.
Ilan sa mga dapat gawin upang maiwasan ang pananakit ng likod ay magbawas ng timbang, huwag mag-buhat ng mabibigat, umupo ng diretso ang likod, at maglagay ng warm compress.
Gayunman, agad na magpakonsulta sa isang orthopedic surgeon o rheumatologist kung hindi nawawala ang pananakit ng likod sa loob ng 2 linggo.