dzme1530.ph

Mga blangkong item sa bicam report sa 2025 national budget, kinumpirma ni Marikina Rep. Stella Quimbo

Kinumpirma ni Marikina Rep. Stella Quimbo, acting chairperson ng House Appropriations Committee, na mayroong blank items sa bicameral report sa 6.325-Trillion peso 2025 national budget.

Mabilis namang idinagdag ni Quimbo na ang pondo para sa mga blangkong item ay natukoy agad bago malagdaan ang bicam report.

Ipinaliwanag ng Kongresista na authorized naman ang technical staff ng Senado at Kamara na itama ang anumang typographical errors o anumang adjustments na kinakailangan bilang resulta ng amendments.

Iginiit din ni Quimbo na wala nang blank items sa enrolled bill na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaya ito aniya ay “legal, fully enforceable, at valid.” —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author