dzme1530.ph

Megan Young humingi ng dispensa kay Miss Botswana

Nagpost ng public apology si dating Miss World 2013 Megan Young dahil sa pag-ayos niya ng buhok ni Miss Botswana Lesego Chombo sa final round ng Miss World 2024.

Bago ang Question and Answer Portion, napansin ni Megan ang ilang hibla ng buhok sa noo ni Miss Botswana kaya’t nag offer ito ng tulong.

Imbis naman na purihin ay nakatanggap pa si Young ng hate comments sa isang vlogger mula sa Botswana at sinisisi siya sa pagkatalo ng kanilang kandidata at tinawag pa itong racist at bruha.

“I wanted to offer a helping hand but I failed to oversee the bigger picture. This could have caused distress during that moment and I have been made aware that culturally, this is unacceptable,” saad ni Young.

Samantala, humingi na rin ng dispensa si Young kay Miss Botswana noong gabi ng coronation.

About The Author