dzme1530.ph

Mayorya ng mga Pinoy, hindi susuportahan ang mga kandidatong Pro-China sa Halalan 2025, ayon sa survey

Tutol ang karamihan ng mga Pilipino na suportahan sa Eleksyon ang mga kandidatong pumapanig sa China, batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Sa resulta ng Sept. 6 to 13 survey na nilahukan ng 1,200 respondents, lumitaw na 7 sa bawat 10 Pinoy ang nagsabing hindi nila susuportahan ang Pro-China candidates habang 5% ang sumagot na suportado nila ang mga kandidatong panig sa China.

23% naman ang undecided tungkol sa isyu.

Bagaman, maliit na bilang lamang, ang Mindanao ang nakapagtala ng pinakamataas na suporta sa Pro-China candidates mula sa lahat ng rehiyon. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author