dzme1530.ph

Mayorya ng mga Pilipino, prayoridad ang trabaho —SWS survey

Loading

Tinatayang 89% ng mga Pilipino ang boboto sa mga kandidato na isusulong ang platapormang job creation upang maresolba ang hamon sa ekonomiya ng bansa, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Tugma ito sa prayoridad ng Trabaho Partylist na pagpapalakas ng job creation o pagpapalaganap ng trabaho at oportunidad.

Ayon kay Atty. Mitchell-David Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, isinusulong ng grupo ang mga mahahalagang plataporma na malapit sa puso ng nakararaming Pilipino.

Bukod sa pagpapataas ng sahod, isinusulong ng Trabaho Partylist ang non-wage benefits upang mapagbuti at maging disente ang pamumuhay ng Pilipinong manggagawa.

Giit ng TRABAHO Partylist, layon nila na mapagaan ang buhay ng mga manggagawa at mapataas ang productivity ng bawat isa upang mapalakas ang ekonomiya.

About The Author