dzme1530.ph

Mahuhuling jeepney units pagkatapos ng April 30 deadline, iisyuhan ng show-cause order ng LTFRB

Iisyuhan ng LTFRB ng show-cause order ang mga jeepney units na mahuhuli pagkatapos ng April 30 deadline sa consolidation.

Sinabi ni LTFRB Chairperson, Atty. Teofilo Guadiz III, na ang show-cause order ay upang mailahad ng mga tsuper at operator ang dahilan kung bakit hindi sila sumama sa programa ng gobyerno.

Obligado ang mga tsuper at operator na lumahok o bumuo ng kooperatiba sa ilalim ng PUV modernization, na naglalayong palitan ang traditional jeepneys ng mga sasakyang gagamitan ng mas environment-friendly fuels.

Sa pinakahuling datos mula sa LTFRB, 77% ng jeepneys sa buong bansa at 52% sa Metro Manila ang consolidated na.

About The Author