dzme1530.ph

Mahihirap na pamilyang Pinoy na nakaranas ng total hunger, lumobo sa mahigit 35% noong Marso, ayon sa SWS survey

Loading

Umakyat sa 35.6% ang bilang ng mahihirap na Pilipino na nakaranas ng total hunger noong Marso mula sa 26.4% noong Pebrero, ayon sa non-commissioned survey ng Stratbase-Social Weather Stations (SWS).

Batay sa datos, ang total hunger o kumbinasyon ng moderate at severe hunger, ay patuloy sa pagtaas simula January 2025 na nasa 22.3%, sa mga pamilyang itinuturing ang kanilang sarili na mahirap.

Bahagya rin itong tumaas sa non-poor families sa 18.3% noong Marso mula sa 16.2% noong Pebrero.

Lumitaw din sa March 2025 Stratbase-SWS survey, na tumaas ng isang porsyento o sa 52% ang mga Pamilyang Pilipino na itinuturing ang kanilang sarili na mahirap mula sa 51% noong February 2025.

Isinagawa ang survey noong March 15-20, 2025 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,800 registered voters, edad 18 pataas, sa buong bansa.

 

 

About The Author