Mahigit 8,000 residente na naninirahan sa loob ng 6-kilometer radius ng Kanlaon Volcano sa Negros ang nananatili pa rin sa evacuation centers mula nang pumutok ang bulkan noong Disyembre ng nakaraang taon.
Ayon kay office of Civil Defense (OCD) Administrator Usec. Ariel Nepomuceno, kabuuang 8,596 individuals o 2,686 families ang lumikas dahil sa banta ng Bulkang Kanlaon.
Karamihan aniya sa mga ito ay nanunuluyan sa mga paaralan, dahilan para maapektuhan ang mga klase sa lugar.
Idinagdag ni Nepomuceno na marami sa mga evacuees ang naiinip na dahil napalayo sila sa kanilang kabuhayan at tahanan, sa loob ng halos tatlong buwan.