Mahigit 400 persons deprived of liberty ang pinalaya ngayong Lunes mula sa iba’t ibang kulungan at penal farms sa bansa, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).
Karamihan sa 401 PDLs na pinakawalan ay mula sa New Bilibid Prison (NBP) na may 163; sumunod ang Davao Prison and Penal Farm, 99; at Leyte Regional Prison, 47.
Mula naman sa 163 na pinalaya mula sa NBP, 59 ay mula sa maximum security compound, 86 ay mula sa medium security, 14 mula sa minimum security at apat mula sa reception and diagnostic center.
Mayorya ng inmates na pinakawalan o 169 ay bunsod ng parole habang 106 ang nakatakdang mag-expire na ang kanilang maximum sentence na may good conduct time allowance.
Nakalaya rin ang 69 na PDL na inabsuwelto sa kanilang mga kaso.