Opisyal na inihayag ni MPD DD PBGen. Andre P. Dizon, ang simula ng Bakasyon sa Tag-init (SUMVAC 2023).
Ayon kay DD Dizon, Ang SUMVAC 2023 ay bahagi ng diskarte sa pag-iwas sa krimen ng Philippine National Police (PNP) na ipinatutupad sa buwan ng tag-init.
Kabilang dito ang pag-maximize ng tulong ng pulisya sa pamamagitan ng pagpapaigting ng police visibility sa iba’t ibang lugar tulad ng mga paliparan, daungan ng dagat, mga terminal ng bus, mga simbahan, at iba pang transportation hub upang magbigay serbisyo sa mga turistang manlalakbay, papunta sa iba’t-ibang probinsya at pabalik naman sa lungsod.
Naglatag din ng Karagdagang Police Assistance Desk (PADs) sa mga lugar na nakararanas ng pagsisikip sa daloy ng trapiko, mataong lugar tulad ng mga mall, parke, beach, swimming resort, at iba pang lugar, o tourist spot, upang mas maging access sa publiko ang pulisya.
Dagdag pa ng opisyal ito ang panahon ng taon kung saan marami ang nagbabakasyon na mga manggagawa at estudyante, kasama ang kanilang mga pamilya.
Tiniyak din ni MPD PBGen Dizon, na 24/7 silang nakabantay upang tiyakin ang 0 crime rate sa lungsod at kaligtasan, proteksyon, sa paglalakbay sa panahon ng kwaresma at Semana Santa. — sa panulat ni Felix Laban, DZME News