129 na inmates ang nasawi habang 59 na iba pa ang nasugatan sa tangkang pagtakas sa Makala Prison sa Kinshasa, sa Democratic Republic of Congo.
Ayon sa Security Minister, 24 ang nasawi matapos tamaan ng mga bala habang ang iba ay nadaganan sa kasagsagan ng kaguluhan.
Sumiklab din ang sunog na sumira sa administrative buildings, registry, hospital at food depot ng kulungan.
Hindi naman tinukoy sa report kung ilang preso ang nakatakas sa pinakamalaking kulungan sa bansa. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera