dzme1530.ph

Mahigit 100 convicted Filipinos sa UAE, binigyan ng pardon sa pagdiriwang Eid’l Fitr, ayon sa Palasyo

Loading

Pinagkalooban ng United Arab Emirates (UAE) ng clemency ang mahigit 100 Filipino convicts sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), 115 convicted Filipinos ang pinalaya ng UAE Government.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasabay ng pagsasabi na ang naturang gesture ay patunay ng “special partnership” ng dalawang bansa.

Hindi naman binanggit ni Pangulong Marcos kung anong mga krimen ang nagawa ng Filipino convicts.

Noong nakaraang taon ay 143 Filipinos ang tumanggap ng pardon sa nagawa nilang krimen sa UAE sa pagdiriwang ng Eid al-Adha, habang 220 na iba pa ang binigyan ng kaparehong reprieve sa pagdiriwang ng kanilang National Day.

About The Author